Monday, July 17, 2006

MEAN WORLD SYNDROME

Nung nag-aaral pa ako sa UP Diliman, alam na alam kong maraming snatchers sa may Philcoa area. Dun ang daan ko papasok at palabas ng UP, kaya naman pag dumadaan ako sa Philcoa sinisigurado ko na ang laging nasa harapan ko ang backpack ko. Nasa pinaka-loob kasi ng backpack ko ang wallet at cellphone ko. Kahit papaano kampante ang pakiramdam ko kapag yakap ko sa harapan ko ang backpack ko. Sa isip isip ko, maigi na yung handa at alisto.

Kung titignan ko, kahit ngayong nagtatrabaho na ako sa Makati na ako medyo ganun pa rin ako. Pag naglalakad ako sa kahabaan man ng Ayala o Buendia, panigurado yung bag ko laging yapos ko pa rin sa harapan ko. Tulad nga kasi nung sabi ng propesor ko nung college, halos lahat daw ng tao (tingin ko lalo na ang mga Pilipino) ay may 'mean world syndrome'.

Meron kang 'mean world syndrome' kung sa tingin mo ang mga taong nakapaligid syo lalo na yung mga taong hindi mo kakilala ay walang mabuting gagawin syo. Kapag tumatawid ako sa Philcoa overpass ayoko ng may mga taong masyadong dumidikit sa akin (lalo na kung hindi naman sila mukhang estudyante). Pakiramdam ko kasi snatcher silang lahat.

Kamakailan lamang ay inilabas ng Reader's Digest magazine ang kanilang research na kumikilala kung aling mga lugar sa buong mundo ang nagpapakita ng 'courtesy' o yung pagiging magalang sa kapwa. Hindi man ganun ka-accurate ang kanilang research methods na ginawa, nakapagbigay pa rin ito ng mga magagandang resulta na maaring makatulong kung paano natin susuriin ang ating sarili bilang mga magalang na Pilipino.

Simple lamang ang proseso, nagpadala ang Reader's Digest ng dalawang reporter sa mga key cities ng mundo at magsasagawa sila ng tatlong tests. Ang 'door test' - titignan nila kung ang taong nasa harapan ba nila ay hahawakan ang pinto para sa kanila. Pangalawa, ang 'document drop test' - may tutulong ba sa kanila kung kunwaring nahulog nila ang mga dala dala nila. At pangatlo, ang 'service test' - magsasabi kaya ng "thank you" or "salamat po" ang mga tindahang bibilhan nila.

Ang resulta? Sa tatlumpu't limang siyudad, ang Maynila ay pang-dalawampu't dalawa. Malapit na sa dulo. Hindi man lang tayo pumasok sa upper bracket kung tutuusin.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ganun ang ranggo natin samantalang sinasabi natin na tayo ay warm, hospitable at caring na mga tao. Sa probinsya siguro maaring ganun pa, pero dito sa Maynila hindi na siguro. Bakit kamo? Dahil halos lahat ng nakatira dito ay may 'mean world syndrome.' Hindi mo rin tayo masisisi, dala na rin kasi ng media o yung mga nakikita at naririnig nating balita kaya may negatibo na tayong perception sa mga taong hindi natin kakilala. Uulitin ko ha - sa hindi na kakilala.

Kung naglalakad ka sa kalye habang papasok sa opisina o di kaya ay sa paaralan at may bumati sa iyo na isang mama na hindi mo kakilala, ano ang magiging reaksyon mo? Madalas mapapaisip ka na kung hindi man ito baliw sigurado may masama itong intensyon sa akin. Bakit sa ibang bansa, sanay sila sa mga short talk na tinatawag? Sanay silang magbigayan ng pleasantries, tulad ng simpleng "good morning" o di kaya'y "how are you today?"

Dahil sa nagtatrabaho ako sa isang American company, madalas kong makasalamuha ang mga Amerikano. Ang Pilipino pag sumakay ng elevator at may mga ibang tao sa loob deadma lang, hindi namamansin. Bakit nga naman nya papansinin yung ibang mga tao eh hindi naman nya yun mga kakilala. Pero ang mga Amerikano kapag pumasok sa elevator kinakausap nya ang mga tao sa loob ng elevator - kahit isang pirasong comment lang magsasalita sila.

Kung titignan rin natin, konting mga establishments at kumpanya lamang sa Pilipinas ang merong Customer Service Management Training. Ang mga Pilipino ay hindi Customer Service oriented ika nga. Subukan mong pumunta ng bangko at may mga teller na hindi man lamang ngumingiti. May mga cashier crew sa Jollibee na hindi man lamang maayos makipag-usap (minsan nga mali mali pa ang rinig sa orders mo dahil wala sa sarili) at pag nagsabi sila ng "thank you come again", parang isa lamang itong spiel na kailangan nilang banggitin at hindi bukal sa kalooban nila ito.

Hindi ko nilalahat pero subukan nyong tumingin sa paligid nyo at mapapansin nyo itong mga sinasabi ko. Hindi na natin kailangan pa ng Reader's Digest survey para magkaroon ng ganitong konklusyon.

Para sa kumpletong resulta ng Reader's Digest survey, pumunta lamang sa Reader's Digest website.

Sunday, July 02, 2006

UNLIMITED TEXTING

Isa ako sa mga taong nainis sa GLOBE/SMART nung nagsimula na silang mag-charge ng piso kada text. College pa ako nun. Pero ngayong meron ng UNLIMITED TEXTING, maniwala kayo sa hindi, hindi rin ako natutuwa.

Unang-una, isa ako sa mga taong dependent sa aking phone. Lagi itong nasa tabi ko. Kapag may nag-text sa akin, sigurado mababasa ko. Maraming may alam ng number ko, dahil ilan na rin ba ang naging under sa akin bilang kanilang SUPERVISOR sa kumpanyang pinapasukan ko. Kaya naman sa araw-araw na ginawa ng diyos ay mahigit ilan ang mga forwarded message o mga kung anu-anong quotes ang natatanggap ko. Lahat tayo BUSY (sa trabaho man o kahit saan pa yan), kaya nakakainis kung lagi na lang ganun.

Meron akong kakilala, sa isang araw mga sampung quotes yung papadala nya. At pagkagising pa lang nya yun ah. Eh papaano pa yung sa tanghali at yung bago sya matulog? Isa pa lang yun sa mga kakilala ko, marami pa sila na ganun. Ang unit ko pa naman na gamit ko ngayon, pag hindi mo agad nabasa yung message meron syang 'beep' every after three minutes. Hindi ko naman sya magawang silent kasi baka may ma-miss ako na phone call o importanteng message.

Pangalawa, yung asawa ko nasa Canada wala dito. So bale wala din sa akin yung promo nila. Gawin nilang unlimited texting yung international texting, siguro matutuwa pa ako at magkakautang na loob sa kanila.

Pangatlo, matanda na siguro ako. Hindi tulad nung bagets ako na nasa college, willing pa ako makipag-text marathon. Ngayon hindi na, kapag may kailangan akong malaman na impormasyon sa isang tao, tinatawagan ko na agad. Minsan sa dami ng ginagawa ko o minsan dahil na rin sa pagod ko tamad na tamad na ako mag-text.

Pang-apat, naka-plan ako so kung magsu-subscribe ako sa unlimited texting eh di on top of my bill pa yun. Hindi ba dapat automatic na yun sa mga postpaid subscribers nila. Kami nga ang nagbibigay ng fixed revenue sa kanila kaya dapat kami ang inaalagaan nila.

Ano sa tingin nyo? May punto naman ako di ba. Saka nga pala, masama din ang text ng text sa kalusugan. Lalo na kung mahilig din kayo mag-pc, sige kayo baka magka metacarpal syndrome kayo.

Archives

Number of online users in last 3 minutes